I think no one was able to read it. So at least here, there are a couple of people who actually care to read my ramblings. Thank you to all of you...uhhmm..."all" means three people, Angel, Nikki and Eipp. And maybe there are others who lurk around not wanting to be noticed. My advice to you, cross the line or forever stare at it. Or maybe no one's lurking at all.
=D
++++
This was supposed to be a series of somekind but after writing this one I couldn't think of another "Mga Tao Nga Naman" topic. Talk about one-hit wonders.
++++
MGA TAO NGA NAMAN...anong sinasabi ng t-shirt mo? (by Leaisagoodgirl)
Nakakita na ba kayo ng isang taong naka-Retro shirt? Malamang, kasi kung hindi pa ewan ko nalang. Let us define Retro shirt. Retro means reviving or harking back to the past. A shirt is an upper-body garment, often having a collar and sleeves. Ang kadalasang Retro shirt na nakikita ko (at meron ako) ay yung baby tee na pwedeng pambabae at panlalaki, na kadalasan ay may ibang kulay na lining sa sleeve at collar tapos ay may 'statement' o kaya may pangalan o picture ng mga banda. Kadalasang nabibili sa Artwork, American Blvd., sa mga tiangge at sa halos lahat ng tindahan ng damit.
Bakit ba ako nagpapaliwanag tungkol sa mga Retro shirt? Kasi po minsan ay ito ang pinagmumulan ng pagkilatis (minsan ay panunuligsa) ko sa mga tao. At may mga 'experiments' akong gustong gawin balang araw pag kumapal kapal pa ang mukha ko.
1) Mga taong naka statement shirt
Experiment 1A
*nakakatanaw ng isang babaeng naka statement shirt**nakita ang nakasulat sa t-shirt (take note: across the chest) niya: "THESE BABIES DEFY GRAVITY"*
*lumapit sa babae*
AKO: Excuse me, miss, can you explain to me what your shirt says?
MISS HER-BABIES-DEFY-GRAVITY: *tinignan at binasa* These babies deffie gravity. Hehehe..uhmmm...uhhh...anu ibig sabihin ng deffie?
TSK. TSK. TSk.
Experiment 1B
*nakakita ng isang lalaking naka statement shirt**"RETRO SUCKS" ang nakasulat*
AKO: Retro sucks huh, nice, how ironic, retro sucks but you're wearing a retro shirt.
MISTER IRONIC: Haha, Cool ba? Keeeewwwwlll? Salamat. *napaisip: anu kaya ibig sabihin ng ironic? bakal..? she's wErd....Ayoko nga ng retro eh, kulit naman.*
TSK. TSK. TSk.
_____________________
Grabe. Pano pag nakasulat na pala sa t-shirt mo 'i lab manure'.
_____________________
2) Mga taong naka t-shirt na may pangalan/emblem/picture ng banda
Experiment 2A
*Ui ui! may lalaki, naka Beatles shirt, KEWL*
AKO: Hey! You're a fan of the Beatles?BEATLEs FAN KUNO: Oh yeah!AKO: Betcha know their songs...sample naman.
BEATLEs FAN KUNO: hehe..
AKO: Anu nalang mga favorite mo..?
BEATLEs FAN KUNO: Ikaw muna.AKO: Shucks...madami eh...if I fell, nowhere man, yellow submarine, obladioblada, i should've known better, act naturally, i wanna hold your hand, eight days a week, and i love her, help, you've got to hide your love away, we can work it out...
*dahan dahang siyang umalis para maiwasan ang mahabang interogasyon tungkol sa Beatles dahil alam niyang wala siyang masasagot*
Experiment 2B
*May lalaki nanaman...naka Van Halen shirt, ui may kasama! Naka Led Zep!*
AKO: Uy, naks rakista ah, kwentuhan niyo naman ako bout THE music. Di ko na po kasi naabutan yang mga bandang yan eh. *tinuro ang mga t-shirt*
I-LAB-YU-KUYA-GUY 1: hehe, sa kuya ko toh eh, la na kasi akong damit. BABAY!
I-LAB-YU-KUYA-GUY 2: Pareho kami ng kuya. hehe. BABAY!
_______________________
No Comment.
_______________________
Hay. Mga tao nga naman. Pero di ko naman nilalahat, may mga tao namang alam ang kanilang mga sinusuot. Siyempre dapat naman talaga alam natin ang suot natin dahil sa paglalakad-lakad mo diyan sa tabi tabi di naman lahat ng tao kilala ka. Lam mo yun. Pero pag nakausap ka na nila tas wala kang masabi tungkol dun sa t-shirt mo-na proud na proud kang ibalandra sa harap ng tao-eh, ikaw rin yung mapapahiya. Nakakainsulto pa minsan dun sa mga taong-for example-fan talaga ng the Beatles (Bat ba kasi bigla biglang nilagay sila uli sa mga t-shirt, notebook at sa kung anu ano pa?).
Di ko rin toh sinusulat para manlait ng kung sino, kasi pag sinabi kong "tao", kasama ako dun, tao rin ako noh. Ako rin naman may mga retro shirt, tulad nung isa naka sulat "Fashion Fanatic". Minsan iniisip ko, fashion fanatic ba ko? Di naman, pero sinusuot ko pa rin kasi wala na kong ibang masuot (totoo, promise), tsaka binili ko yun kasi mura. At kung may magtanong sakin kung fashion fanatic ba ako kasi suot ko yun. Sasabihin ko, "hinde" tapos. May isa pa kong shirt yung Berlin University, parang college shirt, eh di naman ako sa Berlin nag-aaral, eh sa color green yung shirt eh.
When it all comes down to it, isa lang naman ang sasabihin ko, sasabihin mo at sasabihin nating lahat:
"I don't care what you think of what I'm wearing."
In Tagalog:
"Wala akong pakialam kung anong tingin mo sa suot ko."
Hahaha.
Mga tao nga naman...
++++
Ayan. Idadagdag ko pa sana yung mga t-shirt na may political somethings tulad ni Che Guevarra at ni Mao Tse Tung/Mao Zedong.
Peace!
8 comments:
FUNNEH! :))
Got me laughing my heart out. ;) Bow!
Now this is the kind of read I like! Ui, hindi mo mi-nention yung Twist & Shout; Beatles? I LAB DAT. (pero hindi ko naman post to *kapaaall* hehehe) Speaking of Che Guevarra, yun ba yung parang soldier? Yun yun diba? Ano bang meron dun? Isang malaking mystery yun sakin, I just don't have time to research about him (a.k.a: tamad at walang mashadong interest). Idol si Mr. Ironic ah, plantsa siguro yung pumasok sa isip niya. Hmmm..Wala akong mashadong 'wordy-shirt'. I have a shirt given to me by my lola- it says, "Hollister Babe". Hindi ko sinusuot kasi ang weird at ang laswa pakinggan. Ayoko talaga ng 'babe'. Yuck. Ay oo, may shirt din pala ako from Dickies, may malaking "RED" na nakasulat...in silver. tapos pink yung shirt. walang whiff of red to be seen. labo pero sinusuot ko. hahaha...~
"MISS HER-BABIES-DEFY-GRAVITY: *tinignan at binasa* These babies deffie gravity. Hehehe..uhmmm...uhhh...anu ibig sabihin ng deffie?"
Tsk tsk. Pagbigyan mo na yung ale. Deffie nga naman. Di niya kilala si Johnny Deffie.
--Lea, ituloy mo yang experimentong yan ha? Tulungan kita. Hanap ako ng may retro shirt along katipunan. Haha. Ikaw, hanap ka sa Ateneo ;)
Thanks Eipp. =D
Nikki, onga noh? yung Twist and Shout kaso "umalis" na yung lalaki. hehe
Oo, si Che Guevarra yung parang soldier, di ko nga rin siya masyadong kilala eh, kaya ayokong bumili ng t-shirt na may print niya. And besides masyado nang common.
"Babe", haha, ayoko rin ng ganun o kaya "sexy" or "angel" or something. I have nothing against people who wear those kind of shirts pero hindi lang siya applicable sa akin. Haha.
"walang whiff of red to be seen. labo pero sinusuot ko. hahaha...~"
Yun nga eh noh? Kahit ako eh..Mga tao nga naman...=D
Grace!!! Hindi pa ganun ka kapal yung mukha ko eh. Sige tagal tagal. Inform kita. Haha...Johnny Deffie. =D
Iisahin ko na lang ung comments ko, mahaba kasi. Haha!
1. Leeea, da best! Haha! Pano nga kaya kung "I laaaab manure" ung nakalagay noh? Hihi. Di pa ko tapos magbasa, naexcite ako magcomment. Eh pano, ba naman, defffiiiiiiiie kasi eeeeeeh.. :D
2. Ayoko ng may nakalagay na "Sexy" pero gusto ko ng "Angel", pangalan ko kasi un. Pero, never ako nagkaroon ng shirt na may "Angel". Hihi, Leaaaa! Ituloy mo ung "Mga tao nga naman" experiments mo! The besst, idol talaga. ;D
3. Ung bunso kong kapatid, mahilig sa Let it be ng Beatles. Memorize ko na! Haha, eh paulit-ulit lang naman pala. :) Pero hindi siya fan, un lang ung unang kantang natutunan niya sa Magic!Sing. ;)
Thanks Angel. =D
Haha
Post a Comment