Sa nakaraang linggo, dalawang tao galing sa aking sekundaryang pag-aaral ay aking nakita muli. Namiss ko talaga sila pero sa mga pagkakataong ito hindi maiiwasang mapunta ang usapan sa usapang pag-ibig.
Unang-unang, noong Biyernes, ika-29 ng Mayo, sa tapat ng Ministop sa may Katipunan:
Ako: Ms. Lastierre! Ay "Mrs." na pala kayo!
Ms. June Lastierre: LEA!
Ako: Kamusta na kayo Miss? Ilang taon na anak niyo?
Ms. June Lastierre-Agno: 1 year and 3 months (?)! Ikaw kamusta ka na? Ateneo ka pa din?
Ako: Opo!
Ms. June Lastierre-Agno: Anong year ka na ba, second?
Ako: Magtthird year na po.
Ms. June Lastierre-Agno: Gumaganda ka ah! Ano may boyfriend ka na?
Ako: Wala pa po.
Ms. June Lastierre-Agno: Bakit wala pa?
...
Pangalawa, kahapon, Linggo, ika-31 ng Mayo, sa may Leslie's Tagaytay:
Matapos magkakitaan at magkamustahan, napunta din ang usapan sa pagkakaroon ng jowa...
Christina Duhan: Eh ikaw, may boyfriend ka na?
Ako: Wala pa nga eh...
Christina Duhan: Bakit wala pa eh ang ganda ganda mo?!
...
Salamat sa mga papuri pero. Ang natatanging sagot ko lang sa kanilang mga katanungan ay ang pag-aaral. Aral muna... CHE. Sinong niloko mo Leng?
Alam naman nating lahat na gusto mo ng magkaroon ng minamahal.
Pero siyempre, mapili ako...isa lang gusto ko. UY.
Itigil ang kaguluhan.
Monday, June 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Nakkks. Ipakita mo nga sa akin ang kagandahan mo! Sa personal! :D Yeee.
Lea~ Ang fun mo mag-blog. Idol forever! :D
Kung ikaw ay mapapadaan sa may bandang Katipunan o kaya sa may bandang Karangalan. Ang lapit lang natin! Diyan ka lang eh! Hindi na natuloy ang photoshop tutorial sessions natin. Haha at magpapasukan nanaman. Oh well, see you when I see you Nikkeeehh :)
hahah leng.
haaaay talaga. :P
Haaaay talaga Leki. :|
AHAHAHA.
:D :D chem muna. :P HAHAHAHAH
Post a Comment